Sinuspinde ng Supreme Court (SC) ang presiding judge ng Manila Metropolitan Trial Court na si Judge Jorge Emmanuel Lorredo sa loob ng 30 araw nang walang bayad dahil sa paglabas sa mga panuntunan ng korte.
Ito ay matapos na mahatulan siyang guilty ng korte dahil kaniyang hindi karapat-dapat na pag-uugali at dahil na rin sa paglabag nito sa work-related sexual harassment sa ilalim ng Civil Service Commission (CSC) rules at paglabag na rin sa New Code of Judicial Conduct.
Ipinatupad ito ng korte matapos na maghain ng reklamo ang dalawang litigants na sina Marcelino Espekon at Erickson Cabonita dahil sa pagpapakita ni Lorredo ng bias at partiality laban sa sexual orientation ng dalawa sa kanilang isinagawang preliminary conference.
Ayon sa dalawang complainant, paulit-ulit silang tinatanong ni Lorredo kung homosexual ba sila kasabay ng pagsasabi na ang homosexuality ay isang kasalanan dahilan kung bakit “pinarusahan” umano ng Diyos ang kanilang anak na may Dengvaxia.
Dahil dito ay pinanghawakan ngayon ng SC na ang religious beliefs ng hukom ay nakakaapekto sa kaniyang tungkulin at sinabing mawawalan lang din ng kabuluhan ang iniatas sa kanilang batas kung hahayaan lamang ang mga ito ng walang boundaries.
Samantala, bukod sa suspensyon ay pagmumultahin din ng Korte si Lorredo ng nasa P50,000 na halaga dahil sa simple misconduct at conduct unbecoming bilang isang hukom.