DAVAO CITY – Patay ang isang suspek sa nangyaring shoot-out sa Brgy. Mahayag, Davao City.

Batay sa ulat, aarestuhin sana ng otoridad ang homicide suspect na si Basilio Abrigoso, 46, nang manlaban sa pulisya.

Ayon sa pulisya, may nagbigay ng tip sa kanilang hanay na dadalo sa piyesta ang suspect kaya agad pumwesto ang mga otoridad para maaresto ito.

Pero nagulat umano si Abrigoso nang makita ang blockade ng pulisya kaya agad daw itong nagpaputok ng baril.

Sugatan si police Cpl. Joel Villegas na agad dinala sa Southern Philippines Medical Center dahil sa tatlong tama sa katawan.

Nakipaghabulan naman ang mga kasamahan nito kay Abrigoso na nagtangkang tumakas.

Na-corner lamang ang suspek nang pumasok sa isang abandonadong bahay at unahan ng pulisya na magpaputok.