-- Advertisements --
Gagamitin ng men’s national football team ng bansa ang home court advantage nito para makabawi laban sa Iraq.
Gaganapin ang muling paghaharap ng Iraq at football team ng bansa ngayong araw sa Rizal Memorial Stadium na mayroong capacity na 12,873.
Sinabi ni men’s football coach Tom Saintfient, na magiging crucial ang panalo dahil ang nasabing laro ay bahagi ng 2026 FIFA World Cup qualifiers at double qualifier na rin sa 2027 AFA Asian Cup.
Magugunitang sa unang paghaharap nila ng Iraq noong nakaraang linggo ay hindi sila nakaporma kung saan tinalo sila sa score na 0-1.
Nanawagan din ang men’s football coach sa mamamayan na suportahan ang kanilang laban kontra sa Iraq.