Nakatakdang ibenta sa Goldin Auctions ang pirmadong home insurance policy ni yumaong si Kurt Cobain.

docs by Cobain
Goldin Image

Ang nasabing The Chase Bank insurance company letter ay pirmado ng dating frontman ng Nirvana 74 araw bago ito natagpuang patay sa bahay nito sa Seattle.

Ilang buwang nanirahan si Cobain sa nasabing bahay nito sa California.

Ayon sa Goldin Auction na ang nasabing dokumento ay pag-aari na ng Inscriptagraphs Memorabilia kung saan maaaring maibenta ito sa hindi bababa sa $100,000.

Balak ng nasabing memorabilia company na ibigay ang bahagyang perang malilikom sa auction sa suicide prevention organization.

Magugunitang nagpakamatay si Cobain gamit ang 20-gauge shotgun sa kaniyang bahay noong Abril 8, 1994.