Sumakabilang buhay na ang Hollywood actress na si Katherine Helmond sa edad na 89-anyos.

Sa pahayag ng kanyang talent agency, namayapa sa kanyang tahanan sa Los Angeles si Helmond noon pang Pebrero 23 dahil sa kumplikasyon sa Alzheimer’s disease.

“She was the love of my life,” pahayag naman ng kanyang kabiyak na si David Christian.

“I’ve been with Katherine since I was 19 years old. The night she died, I saw that the moon was exactly half-full, just as I am now.”

Nagwagi ng dalawang Golden Globes si Helmond dahil sa kanyang mga papel na ginampanan sa sitcom na “Who’s the Boss?” at sa spoof series na “Soap.”

Bumida rin ang seven-time Emmy Award nominee sa ilang mga pelikula at palabas sa telebisyon gaya ng “Everybody Loves Raymond” at “Cars.” (BBC)