Kasalukuyang naka-isolate ang dating hollywood producer at convicted sex offender na si Harvey Weinstein matapos nitong magpositibo sa coronavirus habang nasa kulungan.

Kinumpirma ang balitang ito ni Michael Powers, presidente ng New York State Correctional Officers and Police Benevolent Association.

Hinatulang guilty si Weinstein dahil sa salang rape at sexual assault noong nakaraang buwan at sinentensyahan ng 23 taong pagkakakulong.

Nangako naman ang mga abogado nito na handang umapela ang kanilang kampo dahil sa naturang hatol ng korte.

Nakakulong si Weinstein sa Wende Correctional Facility sa New York. Ayon sa isang opisyal ng kulungan, dalawa sa mga bilanggo ang nagpositibo rin sa virus noong Linggo.