-- Advertisements --
Masayang ipinamalita ng Hollywood actress na si Kate Hudson na ito ay engaged na sa longtime boyfriend na si Danny Fujikawa.
Sa kaniyang social media account ay nag-post ito ng larawan habang sila ay nasa bundok kung saan makikita ang suot nitong engagement ring.
Halos limang taon na silang nagsasama at mayroon na silang anak na tatlong taong gulang na babae.
Matagal na aniyang magkakilala ang dalawa dahil stepbrother siya ng kaniyang matalik na kaibigan.