-- Advertisements --
Personal na binisita ni Hollywood actor Sean Penn si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Sa kaniyang pagbisita sa Kyiv ay dala ng actor-director ang Oscar statuette.
Pinahiram niya ito sa pangulo ng Ukraine hanggang matapos ang ginagawang paglusob ng Russia sa kanila.
Binigyan ni Zelensky ang actor ng Order of Merit honor dahil sa malakas na relasyon nilang dalawa.
Ang actor na pinatawan ng sanction ng Russia dahil sa pagbatikos dito ay tatlong beses ng dumalaw sa Ukraine dahil sa gumagawa ito ng dokumentary.