-- Advertisements --

Itinanggi ni kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na sila ang nasa likod ng umano’y planong impeachment laban kay Ombudsman Jesus Remulla.

Sinabi ng kaniyang abogado na si Atty. Joseph Frianez, na walang katotohanan ang pagkalat ng mga balita online.

Pawang mga gawa-gawa lamang umano ng mga mapanirang impormasyon.

Magugunitang kumalat ang mga impormasyon na ang dating pangulo ang siyang nasa likod umano ng impeachment laban kay Remulla.