-- Advertisements --

Naghain ang prosecution ng request to subpoena si Office of the Vice President chief of staff Zuleika Lopez.

Ang nasabing pagpapatawag ay para tumestigo sa article ng pagbabanta laban kay Pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi ni House Prosecutor Terry Ridon na mahalaga ang pagtestigo ni Lopez dahil sa ginawang pagbabanta ni VP Sara Duterte noong Nobyembre 2024.

Sa nasabing press birefing ay doon isinawalat ng Bise Presidente ang pagbabanta kay Pangulong Marcos, First Lady Liza Marcos at dating Speaker Martin Romualdez.