-- Advertisements --
Ibinahagi ng Hollywood actor na si John Travolta kung bakit niya tinanggap ang pelikulang “The Shepherd”.
Sinabi nito na bilang licensed pilot ay muntikan na itong masawi sa isang aksidente habang nagpapalipad ng eroplano noong 1992.
Nagkaroon umano ng electrical failure ang eroplanong minamaneho kung saan nakasakay pa ang pamilya nito habang sila ay nasa Washington DC.
Itinuturing lamang nito na isang milagro ang matagumpay niyang pag-landing ng kaniyang eroplano.
Sa nasabing pelikula aniya ay tulad din niya sa tunay na buhay na isang pilotong si Ben Radcliffe na nagawa niyang ligtas na mai-landing ang eroplano kahit naputol ang koneksyon ng communication at electric.