-- Advertisements --

Nanindigan ang Department of National Defense (DND) na hindi irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng ceasefire ngayong holiday season.

Ilan kasing mga organisasyon kabilang na ang simbahan ang humihiling na sana ay magpatupad ng holiday truce ang pamahalaan.

Ayon kay DND spokesperson Director Arsenio Andolong, nagsalita na si Sec. Delfin Lorenzana at sinabi na nito na wala siyang planong magdeklara ng suspension of military operations (SOMO) ngayong Christmas season.

Ito’y dahil mabibigyan lamang daw ng pagkakataon na maipagpapatuloy ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang kanilang mga pag-atake sa mga komunidad, gayundin sa mga sundalo at pulis.

Bagama’t tradisyon na ang pagdeklara ng SOMO, nakahanda ang kalihim na i-break ang tradisyon.

Pagbibigay-diin ni Andolong na kahit may mga panawagan para magdeklara ng holiday truceay buo ang paninidigan ni Lorenzana na hindi magdeklara ng ceasefire.

“A nagsalita na si Secretary Lorenzana dyan that he is not inclined to declare a suspension of militayr oeprations this christmas bec it will give them a chance also to continue their attacks on our outpost, they are taking potshots at our troops and policemen and he does not relish that and we will be giving them a chance do all of that during the christmas season,” wika ni Andolong.

Samantala, ayon kay acting Armed Forces of the Philippines spokesperson Marine Col. Edgard Arevalo, nananatili ang suporta nila sa desisyon ng pangulo bilang kanilang commander-in-chief na huwag ng ipatupad ang ceasefire ngayong December.