-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Pinakiusapan ng South Cotabato Swine Producer Association O SOCOSPA ang Gobernador at mga Mayor ng Panabo at Tagum para pagbigyan ang kanilang baboy na makadaan papuntang Agusan del Sur , Tacloban at Cebu City.

Sinabi ni Dr Efraim Marin, City Vetirinary Officer ng Gensan na dalawang linggo nang hindi nakalabas sa lungsod ang produktong baboy itoy matapos nagtupad ng lock down ang mga Local Executives sa Davao del Sur, Davao City pati ang Davao del Norte.

Dagdag pa nito na sa nasabing mga araw ang baboy na nuoy nasa 90 kilos ngayon 115 kilos na at overweight na.

Nanawagan din ang SOCOSPA sa Department of Agriculture na tulungan na ma harmonize ang mga LGU sa pamamagitan sa pagpatawag ng meeting sa mga Mayor at Gobernador para bigyan solosyon ang ASF scare dahil mag over supply sa karne ng baboy ang rehiyon habang kulang naman sa ibang lugar.

Isa lamang umano ang hiling ng SOCOSPA na padaanin lamang ang kanilang baboy para walang shortage sa karne ng baboy sa Visayas area.

Una nang sinabi ni Dr Marin na mahigit sa P2B ang mawala sa hog industry dito sa region 12.