DAVAO CITY – Nakatakda ring maglabas ng kanilang susuportahang kandidato sa pagka-senador ang Davao-based Hugpong ng Pagbabago (HNP) party para sa halalan sa 2022.
Ayon kay Anthony del Rosario, tagapasagsalita ng HNP, limang national political parties ang nagpakita ng interes na makiisa sa HNP.
Ang mga ito ay ang Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), Nacionalista Party, Pwersa ng Masang Pilipino (PMP), People’s Reform Party (PRP), at National Unity Party (NUP).
Sa kanilang kasunduan sa mga national parties, bawat isang partido ang inaasahang magsusumite ng isang senatorial candidate na i-endorso ng HNP.
Samantalang umaasa pa rin ngayon ang HNP na magbabago pa ang desisyon ni Mayor Sara Duterte-Carpio hangga’t hindi pa matatapos ang substitution sa Nobyembre 15.
Nauna nang nagdesisyon si Mayor Inday na hindi kakandidato sa mas mataas na posisyon bagkus ay muli itong tatakbo bilang alkalde ng lungsod.
Kung maalala maraming ang naghintay kay Mayor Inday sa huling araw ng paghain ng Certificate of Candidacy (COC) noong Oktubre 8, 2021 ngunit hindi ito nagpakita.