Magpapadala ng eroplano ang pamahalaan ng Hong Kong patungong Japan para maiuwi ang mga pasahero mula sa na-quarantine na cruise ship na Diamond Princess dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa isang statement, sinabi ng Security Bureau na iuuwi ng chartered flights ang mga residente ng Hong Kong nang libre sa oras na kumpirmahin ng mga awtoridad sa Japan ang naturang plano.

Sa oras na makarating na sa Hong Kong, sinabi ng bureau na sasailalim sa 14 days na quaranting ang mga uuwing pasahero.

Mula noong Pebrero 3 ay naka-quaranting ang cruise ship, na pagmamay-ari ng Carnival Corp, lulan ang nasa 3,700 pasahero at crew.

Ito ay matapos na ang isang pasahero na bumaba ng Hong Kong bago bumiyahe ulit sa Japan ay nagpositibo sa COVID-19.

Nabatid na mayroong 330 Hong Kong residents na sakay ng naturang cruise ship, kabilang na ang 260 na may hawak na Special Administrative Region of Hong Kong passports at nasa humigit kumulang 30 iba pa na foreigners.