-- Advertisements --

Nagpaturok na ng Sinovac COVID-19 vaccine na gawa ng China si Hong Kong leader Carrie Lam.

Kasama niya sa televised event na nagpaturok ng bakuna ay ang ilang mga opisyla para mahikayat pa ang mga mamamayan sakaling magsimula na ang kanilang vaccine rollout.

Ang Sinovac kasi ang unang COVID-19 vaccine na ipinakilala sa Hong Kong na mas nauna sa Pfizer/BioNTech vaccine.

Nasa 1 milyong doses ng nasabing bakuna ang dumating sa Hong Kong nitong nakaraang Biyernes.

Sisimulan na mababakunahan ang nasa 7.5 million na residente na nag-apply online simula Pebrero 26.

Aabot kasi sa 22.5 million doses ng COVID-19 vaccines mula sa Pfizer, Sinovac at AstraZeneca ang binili ng Hong Kong.