-- Advertisements --

HONG KONG – Sa kabila ng patuloy na mga kilos protesta, nilinaw ni Hong Kong leader Carrie Lam na hindi pa ito naghahain ng resignation sa China.

Inamin ni Lam na nagpahayag siya ng pagkadismaya nang humarap sa pribadong meeting kasama ang business leaders.

Ipinaliwanag umano nito sa nasabing pulong na kung tutuusin ay madaling magbitiw sa pwesto lalo na sa gitna ng krisis sa rehiyon ngayon.

Pero hindi raw patas na gamitin ang naturang statement laban sa kanya.

Sa nakalipas na araw lumabas ang isang audio record ni Lam na nagsabing handa siyang magbitiw sa pwesto kung may pagkakataon.

Taong 2017 nang maupo si Lam bilang Hong Kong chief executive matapos ihalal ng mga pro-Beijing committee sa rehiyon.(AP)