Walang magiging epekto ang hiwalayan ng mag-asawang Bill at Melinda Gates sa mana ng kanilang mga anak.

Makailang beses na kasi sinabi ni Bill na wala siyang balak na mag-iwan ng malaking halagang pamana sa tatlong anak nila Melinda.

Dagdag pa nito na dapat ay makita nila ang kahalagahan ng kanilang trabaho at ang pera nila ay mula dapat sa kanilang pinaghirapan.

Sa isa ring panayam sa kaniya noong 2011 ay sinabi niya na bibigyan niya ang kaniyang mga anak ng tig-$10 milyon na bahagi lamang ito sa kaniyang buong yaman.

May tatlong anak sina Bill at Melinda na sina Jennifer, 25; Rory 21 at Phoebe 18-anyos.