-- Advertisements --

Ipinag-utos ngayon ng local court na ipagpatuloy na ang pagdinig sa kaso laban kay dating Health Secretary at kasalukuyang Iloilo Rep. Janette Garin kaugnay ng kinahaharap na kasong may kinalaman sa Dengvaxia.

Ito ay kasunod na rin ng pagbasura ng Quezon City Regional Trila Court (RTC) sa kanyang hirit na ibasura ang mga kasong inihain laban sa kanya.

Sa tatlong pahinang order ni Quezon City RTC Judge Maria Gilda Loja-Pangilinan, ibinasura nito ang motion to dismiss na inihain ni Garin dahil sa kakulangan ng merito.

Ang kaso ay may kaugnayan sa pagkamatay ni Zandro Colite, 11-anyos na naturukan ng Dengvaxia.

Inirereklamo ni Garin ang venue ng kaso dahil hindi naman daw ito residente ng Quezon City kayat dapat maibasura ang kaso.

Pero ayon sa QC-RTC, ang venue kung saan naghain ng reklamo ang complainant ay tama naman dahil sa kadahilanang ang residence ng isa sa mga complainant sa kaso ay sa lungsod ng Quezon.

Namatay ang bata noong December 27, 2017 dahil sa multiple organ bleeding matapos mabakunahan ng dengvaxia vaccine.

Humihingi ngayon ang pamilya ng biktima ng actual at compensatory damages na nagkakahalaga ng P2.3 million; civil indemnity, P50,000; moral damages, P400,000 at exemplary damages, P400,000.