-- Advertisements --

Nakatakda umanong makipagpulong ang Department of Justice (DoJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) para pag-usapan ang hirit ni Rep. Rufus Rodriguez na imbestigahan daw ang isyu ng red tagging sa mga community pantries na nagsulputan na sa buong kapuluan.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, kasabay ng kanilang pagpupulong sa NBI, inihirit din itong mas maigi raw kung gumawa ang Kongreso ng batas para sa pagpapataw ng parusa sa red tagging.

Aniya kapag kailangan daw ng kaukulang legistation sa red tagging at ang parusang kailangang ipataw sa mga sangkot dito.

Sa ngayon daw kasi, iikot daw sa mga reklamong defamation, harassment, coercion, unjust vexation o paglabag sa privacy laws ang puwedeng maisamap sa mga isinasangkot s red tagging.

Nilinaw naman ni Guevarra na hindi pasok sa Executive Order 35 (AO-35) na-red tag man o hindi ay kung ang pagpatay ay may kinalaman sa cause, advocacy, o activism ng biktima ay iimbestigahan ito ng AO-35.