-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Patuloy ng hinigpitan ang seguridad sa lugar kung saan magaganap ang inaasahang meet and greet ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bansang Japan bukas, araw ng Linggo.

Ayon kay Bombo International News Correspondent na si Josel Palma, gaganapin ang naturang aktibidad bandang alas nuebe ng umaga hanggang alas dose ng tanghali, oras ng Japan kung saan marami umano ang ipinagbabawal kabilang na ang pagdadala ng selfie equipments, banners at beverages.

Ang tanging pwede lamang umanong dalhin ng mga dadalo ay A4 size na bag ngunit dadaan pa rin ito sa kanilang metal detector.

Wala aniyang ideya ang kanilang embahada sa magiging takbo ng programa dahil nasa ilalim ito ng pamamahala ng Office of the President.

Dagdag pa nito na isa sa pinaka-inaasahan ng mga filipino community ay ang Question and Answer portion dahil nais umanong imungkahi ng mga ito ang pagkakaroon ng masisilungan para sa mga battered wife at magkaroon ng sapat na medical aids para sa mga distressed Filipino Workers upang mapatili ang kaligtasan at kalusugan ng mga ito.

Ayon pa kay Palma, sa ngayon ay nagpapahinga muna ang presidente at inihahanda ang sarili para sa kaganapan bukas.