Walang katapusan ang ginagawang paninisi ni Democratic presidential nominee Joe Biden sa kaniyang katunggali na si President Donald Trump tungkol sa pagbubukas ng mga eskwelahan sa Estados Unidos.
Sa naging talumpati ni Biden sa Delaware, sinabi nito na tinatamasa ng Amerika ang kapalpakan sa ilalim ng pamumuno ni Trump.
Aniya, kung ginagawa lang daw ng administrasyon ni Trump ang kanilang trabaho upang kontrolin ang coronavirus pandemic ay hindi mahihirapan ang mga eskwelahan na muling magbukas.
Dagdag pa nito, wala raw ibang binigay ang Republican president kundi paasahin ang mga Amerikano sa kaniyang mga walang kwentang pangako.
Pinatutsadahan din ni Biden ang pagpunta ni Trump sa Kenosha, Wisconsin. Hindi raw kasi ito nakakatulong bagkus ay mas pinapalala pa nito ang mga nagaganap na kaguluhan sa bawat lugar na kaniyang pinupuntahan.