-- Advertisements --

Tutol ang isang science and technology advocate group sa muling pagbuhay ng usapin sa nuclear energy bilang bagong pagkukunan ng enerhiya ng bansa.

Kasunod ito nang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order No. 116, na nag-uutos sa Department of Energy at iba pang ahensya na pag-aralan ang polisiya para nuclear energy program ng estado.

Ayon sa grupong AGHAM, hindi praktikal ang panukala dahil hindi naman tipid sa kuryente ang benepisyo nito sa mga Pilipino.

Wala raw kasing pagkukuhanan ng chemical element na uranium dito sa bansa para patakbuhin ang makina ng nuclear power plants, kaya tiyak na dedepende pa rin ang estado sa imported na langis.

“It will be the same scenario as what we have with oil and coal energy where we remain dependent on imported fuel. Right now, nuclear energy in the Philippines entails additional costs brought by importing foreign fuel sources.”

“Aside from these, nuclear energy also has direct costs that can be passed on to the people such as nuclear tax, decommissioning costs, and waste disposal costs, which can result in higher rates for electricity consumers.”

Bukod sa nuclear energy, hindi rin sang-ayon ang grupo sa posibilidad na buhayin at hayaan nang mag-operate ang inagiw na Bataan Nuclear Power Plant.

Malaking panganib daw kasi ito sa mga residente ng kalapit na komunidad lalo na’t naka-pwesto ito sa paanan ng Mt. Natib, na isang bulkan sa bayang ng Morong.

“This will not only put adjacent communities in danger but also violates current regulations of the International Atomic Energy Agency on sites where a nuclear plant can be built.”

“Rviving the BNPP will not lower electricity rates due to unfair provisions in the EPIRA that allows the monopoly of private corporations in the overall management and governance of the energy industry. This is manifested in the pass-on principle that did not result in lower energy costs.”

Naniniwala ang AGHAM na hindi na nama-maximize, o nasusulit ng estado ang iba pang natural resources na pinagkukuhanan ng enerhiya.

Imbis na isulong ang nuclear energy, ayon sa grupo dapat mag-develop na lang ang pamahalaan ng bagong teknolohiya na susuporta sa kasalukuyang resources ng bansa tulad ng geothermal, wind at hydropower.

Pinayuhan din nila ang gobyerno na bumuo ng mas komprehensibong plano sa energy industry na magdudugtong sa sektor sa iba pang industtiya.

“Investment and nationalizing these alternative energy sources, while taking into consideration ecological soundness and human rights, is a key in providing accessible, affordable, reliable, and sustainable energy for the Filipino people.”

Tiniyak ni Energy Sec. Alfonso Cusi na magiging bahagi ang publiko sa konsultasyon bago nila ipasa sa presidente ang report ukol sa polisiya ng nuclear energy.