mayweather
Floyd Mayweather Jr.

Duda si Shane Mosley na magbabalik pa muli sa itaas ng ring si Floyd Mayweather Jr. sa taong 2020.

Ginawa ng dating three division world champion at susunod na Hall of Famer na si Mosley ang pahayag bilang reaksiyon sa lumutang na isyu na posibleng putulin muli ni Floyd ang retirement.

Nandiyan daw ang scenario na baka lumaban muli sa MMA o UFC si Mayweather.

Para naman kay Mosley hindi mawawala ang posibilidad na rematch ni Floyd kay WBA welterweight champion Manny Pacquiao.

Gayunman naniniwala siya na hindi na uubra ang American legend bunsod na rin na high level pa ang pagiging aktibo ng fighting senator.

Kung ikukumpra naman daw sa mga naging huling laban ni Mayweather, 42, ay exhibition game lamang ang ginawa nito at sa UFC.

Kung maalala sa taong 2019 ang dalawang laban ni Pacquiao, 41, ay kapwa championship fight.