Hindi bababa sa isang tao ang namatay at 19 ang nasugatan sa mga bagong pag-atake ng missile ng Russia sa port city ng Odesa, ayon sa mga opisyal.
Sinabi ni Regional Governor Oleh Kiper na 14 katao ang naospital sa mga pagsabog, kabilang ang apat na bata.
Ang makasaysayang Transfiguration Cathedral ay nasira din dahil sa pag-atake, ayon sa konseho ng lungsod.
Ang Moscow ay naglulunsad ng patuloy na pag-atake sa Odesa mula nang umatras ito sa isang landmark grain deal noong Lunes.
Sinabi ng administrasyong militar ng Odesa na ang Transfiguration Cathedral ng Moscow-linked Ukrainian Orthodox Church (UOC) ay lubhang nasira.
Matatandaan na ang gusali ay ang pinakamalaking simbahang Ortodokso sa Odesa at itinalaga noong 1809. Ito ay giniba ng Soviet Union noong 1939, bago muling itinayo noong 2003.
Samantala, ang UN’s cultural agency, Unesco, ay paulit-ulit na hinihimok ang Russia na itigil ang pag-atake sa Odesa. Ang makasaysayang sentro ng lungsod ay itinalaga bilang isang endangered World Heritage ng organisasyon sa unang bahagi ng taong ito, sa kabila ng pagsalungat ng Russia.