Ibinunyag ng DA na may 40 kasong isinampa laban sa smuggler at price manipulator ng sibuyas.
Sa pagdinig ng Senate subcommittee on finance sa panukalang P167.5-billion budget ng DA para sa susunod na taon, tinanong ni Senator Risa Hontiveros ang ahensya kung ano ang kanilang ginagawa para parusahan ang mga smuggler at manipulator ng presyo.
Ayon kay DA Undersecretary Mercedita Sombilla, iniinspeksyon na ngayon ng kanilang mga opisyal ang mga bodega at kung may mapapansing anomalya ay agad na ihahain ang mga kinauukulang kaso.
Ipinasa ni Sombilla ang usapin kay Assistant Secretary James Layug na nagsabi kay Hontiveros na nakapagsampa na sila ng 40 kaso laban sa mga smugglers.
Aniya, 40 cases na ang naihain sa ilalim ng Anti-Agricultural Smuggling Act.
Lahat ng mga smuggler aniya ay nakasalang ngayon sa local prosecution’s office sa Bataan, Manila, and Batangas.
Nauna nang binatikos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga smuggler at hoarder ng agrikultura, na tinawag silang mga manloloko na nagsasamantala sa mga magsasaka at mga mamimili.