-- Advertisements --

Hindi bababa sa 15 bayan sa Cebu, nagsuspendi ng pasok; Ilang biyaheng pandagat kanselado dahil sa masamang lagay ng panahon.

Dahil sa patuloy na nararanasang mga pag-ulan dulot ng Low Pressure Area (LPA), nagdeklara ng suspensyon sa mga klase ngayong araw, Enero 11, ang hindi bababa sa 15 bayan sa Cebu.

Kabilang sa mga lugar na ito ay ang Cordova, Compostela, Alegria, San Remegio, Sogod, Santander, Bantayan Island, Daan Bantayan, Madridejos, Ronda, Argao at ang buong munisipalidad sa Isla ng Camotes.

Nakakaranas naman ng mga pagbaha sa iilang parte ng Cebu dahil sa masamang lagay ng panahon.

Samantala, kanselado naman ang ilang biyaheng pandagat ayon sa pag-anunsyo ng Cebu Port Authority (CPA).

Ilan sa mga biyaheng ito ay ang Jomalia Shipping Corporation mula sa Camotes Island at biyahe mula sa Maya Port sa Daanbanatayan patungong Malapascua island at vice versa simula kaninang tanghali.