Hillary Duff
Hillary Duff/ IG post

Ikinasal ang actress na si Hillary Duff at singer-composer Matthew Koma.

Isinagawa ang pribadong kasal sa bahay nito sa Los Angeles.

Tanging mga malalapit na kaibigan at kaanak lamang ng dalawa ang inimbitahan sa nasabing okasyon.

Magugunitang noong Mayo ay inalok na ng kasal ng ng singer ang actress makalipas ang ilang taon nilang relasyon.

Noong Oktubre 2018 rin ng isilang ng actress ang anak nila na si Banks.

May anak na ang actress pitong taong gulang na si Luca mula sa dating asawa na si Mike Comrie.