Tinawag ni Albay Rep. Joey Salceda, ang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagpapakita niya bilang isang “technocrat-in-chief.”
Si Salceda, ang siyang incoming chairman ng House tax panel.
Nangako ito na kanilang aaksiyunan ang mga “tax-related bills” na hinihiling ni Marcos kapag nabuo na ang kanilang committee.
Kung maalala kabilang sa mga fiscal management measures na binanggit ng pangulo sa kanyang SONA ay ang implementasyon ng National Government Rightsizing Program, Budget Modernization Bill, Package 3 sa tax reform sa real property valuation and assessment, at ang Package 4 ng tax reform para sa passive income at financial intermediaries.
Kasama rin sa tinukoy ng pangulong Marcos ang kahilingan niya na Digital Economy VAT Law, Ease of Paying Taxes Act, at ang reporma laban sa possible undervaluation at misdeclaration ng imported goods.
Kaugnay nito sinabi ni Salceda na maghahain siya ng joint resolution para sa Medium Term Fiscal Program, na siyang posibleng maging basehan para sa general principles ng budget.
Pinasalamatan din ng mambabatas ang pangulo sa commitment nito na tapusin ang mga proyekto may kaugnayan sa mga rail projects na sinimulan ng dating Presidente Rodrigo Duterte.