-- Advertisements --

Ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyong inihain ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista hinggil sa mga graft charges na isinampa laban sa kaniya.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa isyu ng Php32.1-million processing system ng occupational permit sa Quezon Cityhall noong taong 2019.

Sa naturang mosyon ay in-invoke ni Bautista ang “Arias doctrine” kung saan ikinatwiran niya na hindi maaaring maiugnay sa kaniya ang anumang uri ng iregularidad sa naturang proseso sapagkat hindi aniya siya miyembro ng bids and awards committee.

Ngunit sa resolusyong inilabas ng seventh division ng Sandiganbayan ay sinabi nito hindi kinatigan ang mosyon ni Bautista nang dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Matatandaang inakusahan ng ilang state prosecutor ang dating alkalde at si dating City Administrator Aldrin Cunya ng pagpa-facilitate ng full payment ng supplier na Geodata Solutions Inc. bago makumpleto ang proyekto nang walang pahintulot mula sa city council.