-- Advertisements --

Kaabang abang ngayon kung matutuloy na pagbibigyan ng United Nations General Assembly na magsalita ang kinatawan ng gobyerno ng Taliban.

Sinasabing ang UN committee ay magdedisyon sa naturang mga kahilingan pero hinuhulaan na hindi pa ito mangyayari ngayong sesyon ng world body.

UNGA United nations

Ang nine members commitee ay kabilang ang US, China at Russia ayon sa isang UN spokesperson.

Una na raw nagpaabot ng kanilang nominasyon ang Taliban na ang kanilang spokesperson na nakabase sa Doha na si Suhail Shaheen ay maging bagong Afghanistan UN ambassador.

Iginigiit kasi ng Taliban na ang ambassador ng kanilang napatalsik na dating gobyerno na si Ghulam Isaczai ay hindi na envoy sa UN.

Dahil sa hindi pa nakakapagdesiyon ng UN committee maari raw na magtalumpati si ambasador ng Ghulam pero kapag nangyari ito ay hindi siya kikilalanin ng Taliban.

Hinihinalang tumakas na rin ito patungo United Arab Emirates.

Sa ngayon wala pang gobyerno sa buong mundo ang pormal na kumikilala sa Taliban government.