-- Advertisements --

Matagumpay na sinira ang tinatayang P80 milyong halaga ng mga pekeng produkto sa Kampo Krame kaninang umaga.

Pinangunahan nina Philippine National Police (PNP) officer-in-charge (OIC) Lt. Gen Archie Gamboa, Intellectual Property Office of the Philippines Director General Josephine Santiago, at Deputy Director General Atty. Teodoro Pascua, ang ceremonial destruction.

Kasamang winasak ang mga pekeng Louis Vuitton bags, wallets, at cellphone cases; gayundin ang mga pekeng sapatos at Lacoste shirts, mamahaling relo, pirated DVDs, branded cutting blades, pekeng sigarilyo at pekeng sabon.

Ang nasabing mga produkto ay pawang nasabat sa mga isinagawang operasyon noong nakaraang taon.

Layon ng ceremonial destruction ay para ipakita ang pagkondena sa negatibong epekto ng counterfeiting at piracy sa ekonomiya ng bansa na dahilan sa nawawalan ng kita ang pamahalaan.

Nais din iparating ng gobyerno laban sa mga lumalabag sa intellectual property violators na hindi ito-tolerate ng gobyerno ang mga ganitong hakbang.

Sa kabilang dako, tiniyak ng PNP-OIC ang suporta sa programa at kampanya ng National Committee on Intellectual Property Office of the Philippines.

“It is about time to enhance our patriotism by addressing.. it is good that we destroy not only counterfiet products but also apprehend the criminals behind creation of fake products that are detrimental to our progress and destroy our youth,” wika ni Lt.Gen. Gamboa.