-- Advertisements --

house1

Umabot na sa mahigit P26 million ang inisyal na “in kind” donations ang natanggap ng Kamara sa nagpapatuloy na relief drive ng House of Representatives sa pamamagitan ng office of Speaker Martin Romualdez para sa mga biktima ng bagyong Paeng.

Ayon sa pahayag mula sa Speaker’s office na as of November 1 ang partial total value na mga in kind donations na kanilang natanggap gaya ng food items, blankets, at toiletries ay umabot na sa P26,316,409.

Lubos naman ang pasasalamat ni Speaker Romualdez sa mga donors na tumulong sa relief drive ng Kamara.

Sinabi ni Romualdez na tuloy tuloy ang delivery ng mga relief items sa ibat ibang bahagi ng bansa na lubhang naapektuhan dahil sa bagyong Paeng.

Ipinagmalaki din ni Romualdez na umabot na rin sa P49.2 million ang cash donations na kanilang natanggap.

Sa kabuuan umabot na sa P75 million ang halaga ng in-kind at cash donations ang kanilang natanggap.

Ang fund drive ay pinangunahan nina Speaker Romualdez at ibang House leaders sa pakikipag tulungan kay Social Welfare and Development Sec. Erwin Tulfo.

Sinabi ni Speaker Romualdez ang mga beneficiaries sa nasabing relief mission ay makakatanggap din ng tulong mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD.

Simula nuong Lunes, walang tigil ang delivery ng mga relief goods sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Inihayag din ni Speaker na may mga pagkakataon na ang mga relief goods ay binili at ni repacked locally sa mga apektadong lugar para mas lalong mapapabilis ang pamamahagi.

As of 11 kaninang umaga, tinugunan na nina Speaker Romualdez, Rep. Yedda Romualdez, at iba pang House leaders ang hiling na financial or food assistance ng nasa 25 House members. Ito ay ang mga sumusunod:
Reps. Emmanuel Billones (Capiz, 1st District),
Jane T. Castro (Capiz, 2nd District),
Carlito S. Marquez (Aklan, 1st District),
Teodorico “Ted” Haresco Jr. (Aklan, 2nd District),
Ferjenel G. Biron (Iloilo, 4th District),
Gerardo Valmayor Jr. (Negros Occidental, 1st District),
Antonio Legarda Jr. (Antique, Lone District),
Mohamad P. Paglas (Maguindanao, 2nd District),
Bai Dimple I. Mastura (Maguindanao and Cotabato City, 1st District), David “Jay-jay” C. Suarez (Quezon, 2nd District),
former Speaker Lord Allan Velasco (Marinduque, Lone District),
House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe (Zamboanga City, 2nd District),
Mercedes K. Alvarez (Negros Occidental, 6th District), Maria Theresa V. Collantes (Batangas, 3rd District),
Sittie Aminah Q. Dimaporo (Lanao del Norte, 2nd District),
Cavite Rep. Lani Mercado Revilla (Cavite, 2nd District),
Ramon Jolo B. Revilla III (Cavite, 1st District),
Marlyn “Len” B. Alonte (Biñan City, Lone District),
Raul “Boboy” C. Tupas (Iloilo 5th District),
Rene Ann Lourdes Matibag (Laguna, 1st District),
Bryan Revilla (Agimat, Party-list),
James “Jojo” Ang (USWAG ILONGGO, Party-list),
Antonio A. Ferrer (Cavite, 6th District),
Adrian Jay C. Advincula (Cavite, 3rd District),
Roy Loyola (Cavite, 5th District).