Aabot na sa mahigit P6 million halaga ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa tagapagsalita ng DSWD na si Irene Dumlao, kabilang sa kanilang nabahagian na ng tulong ay ang mga residente ng iba’t-ibang abrangay sa Davao del Sur at North Cotabato.
Magmula noong Oktubre 16 nang magsimula ang serye ng mga lindol, sinabi ni Dumlao na agad na nagpadala ang DSWD ng tulong sa mga biktima kabilang na ang mga food packs at hygiene kits.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang DSWD sa mga apektadong lokal na pamahalaan para mapabilis ang pamamahagi ng relief assistance.
Nabatid na ilang residente sa mga apektadong lugar sa Mindanao ang naiulat na nag-aabang sa mga kalsada para humingi ng tulong sa mga dumadaang sasakyan bitbit ang kanilang mga cardboard signs.










