DAVAO CITY – Inihayag ni Brig. General Jesus Durante III na nakatakda nilang bigyan ang isang impormante ng pabuya na bahagi ng P5.6 million matapos ang pagkakapatay sa top communist leader ng mga rebelde dito sa Mindanao.
Ayon pa kay Durante na ang nasabing pondo ay inilaang para sa nasabing misyon at para sa agarang pagkakahuli kay Menandro Villanueva, alias “Bok,” na siyang dahilan ng kamatayan nito.
Sinabi rin ni Durante na may ibibigay na bahagi lamang sa impormante sa inilaan na P5.6 million at hindi ito ibibigay ng buo dahil may group effort umano ang isinagawang operasyon.
Una ng inihayag ni Lieutenant General Greg Almerol, commander sa Armed Forces of the Philippines Eastern Mindanao Command (EastMinCom) na nagbigay ang opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P2 million para ma-neutralize si NPA leader.
Una nito, kinilala ng militar na malaking kawalan sa panig ng mga rebelde ang pagkamatay ni Villanueva na matagal ng pinaghahanap ng otoridad.
















