Arestado ang isang high value target na drug suspek sa ikinasang buybust operations sa Barangay Lower Bicutan, Taguig ngayong Linggo kung saan nakuhaan ito ng nasa P340,000.00 halaga ng iligal na droga.

Nakilala ang suspek na si Alfredo Roque Riñoza na nagbenta ng droga sa undercover na pulis sa isang floating food park sa C-6 Road.

Ayon sa Pulisya, tinangka pa niyang bumunot ng baril, pero agad itong nakuha ng operatiba.

Nasa 50 grams ng hinihinalang shabu ang nasamsam kay Riñoza na konektado sa iba’t ibang criminal gang gaya ng Macmac Boratong drug group na may operasyon sa Pasig at karatig lungsod.