-- Advertisements --
deg1

Arestado ang apat na drug suspect sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) sa Barangay Sta. Lucia, Pasig City.

Kinilala ni PDEG director, Pol. B/Gen. Randy Peralta ang mga suspek na sina Mivier Miranda, Abdel Badio, Jeffrey Tavas at Dante Garbida.

Nasabat mula sa mga ito ang may 15 kilo ng Cannabis Sativa o mas kilala bilang marijuana na nagkakahalaga ng P22,500,000.

Nakumpiska rin sa kanila ang P1,000 bill na kasama sa ginamit na boodle money, gayundin ang cellphone na siyang ginagamit sa transaksyon at Identification cards.

Kaagad dinala ang mga ito sa Special Operations Unit 5 ng PDEG sa loob ng Camp Crame sa Quezon City.

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang apat na suspek.