-- Advertisements --

Nasa P2.3 billion pondo ang inilaan ng Marcos administration para sa malawakang forest rehabilitation sa ilalim ng National Greening Program project.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, sa harap na rin ito ng target ng kasalukuyang Administrasyon na maabot ang sustainable, green at climate -resilient economy.

Sinabi ni Pangandaman na ito ang dahilan kung bakit tinaasan ang budget para sa environmental expenditures kasama na ang pondo para sa anomang aktibidad na may kinalaman sa climate change.

Sakop ng malawakang forest rehabilitation ng administrasyon ang nasa 13, 565 na ektaryang lupain.

Aabot naman sa mahigit P7 million seedlings ang nakatakdang itanim habang nasa 158, 843 na ektaryang lupain ang kailangang mamantine.