-- Advertisements --
Umakyat na sa P2.14 billion ang pinsalang iniwan ng Bagyong Ulysses sa sektor ng agrikultura, ayon sa National Disaster Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Naitala ang mga pinsalang ito sa Regions I, II, III, Calabarzon, V at Cordillera Administrative Region (CAR), ayon sa NDRRMC.
Samantala, kabuuang P482.85 million naman ang halaga ng pinsalang naitala sa imprastraktura sa Regions I, V at MIMAROPA.
Ayon sa NDRRMC, ang bilang ng mga nasawi ay nananatili sa 67 ang bilang habang 21 naman ang sugatan at 13 ang nananatili pa ring nawawala.
Sa pagtatala ng ahensya, 2,074,301 indibidwal o 523,871 pamilya ang apektado ng Bagyong Ulysses mula sa iba’t ibang lugar.