-- Advertisements --
1PDEA 1

Mahigit sa P15.7 million halaga ng ecstasy ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang controlled delivery operations sa may Central Post Office sa Quezon City kahapon.

Ayon kay PDEA director Gen. Wilkins Villanueva, nasabat ang mga iligal na droga mula sa tatlong controlled delivery na naglalaman ng nasa 9,243 tablets na hinihinalaang ecstasy (MDMA).

Kinilala ni Villanueva ang mga naarestong suspek na sina: Rowena Evangelio, 40-anyos na siyang authorized representative ng consignee, nakatira sa B2 L6 Cotton Hills, Subd. Bagumbayan, Teresa, Rizal; at Michael De Guzman, 36, motorcycle rider at nakatira sa Pipino Ext. Napico, Pasig City.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang tatlong parcels na idineklarang damit ng baby, hand bag at sapatos na ipinadala ng nagngangalang Abner Buzeta ng Amsterdam, at ang consignee ay si Glorie Joy Lamatao Buzeta ng West Kamias, Quezon City.

9PDEA

Ang tatlong parcel ay naglalaman ng hinihinalaang MDMA tablets; limang iba’t ibang bag; pares ng boots; 15 improvised plastic pouch na naglalaman ng MOL 9,243 pieces ng tablets.

Kasalukuyang nakakulong sa PDEA National Capital Region ang dalawang suspek na sinampahan ng kasong paglabag sa iligal na droga.