-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Ibinalik ng lokal na pamahalaan ng Sadanga, Mountain Province sa Department of Social Welfare and Development ang mahigit P1.47-M na pondo para sa Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay DSWD-Cordillera Regional Director Leo Quintilla, ang pondong ibinigay sa kanila ay para sa 1,400 na pamilya subalit 1,132 lamang dito ang pasok para sa naturang programa.
Dahil dito, ang Sadanga aniya ang kauna-unahang lokal na pamahalaan na nagbalik ng pondo sa DSWD.