-- Advertisements --

vessel1

Nasa ligtas ng kalagayan ang nasa 93 pasahero matapos tumagilid ang isang Roro/ passenger vessel na may layong 100 meters sa shoreline ng Barangay Nasunugan, Banton, Romblon bandang ala-1:00 kaninang madaling araw.

Ayon kay Captain Elmo Sumocol, ang distressed RoRo/passenger vessel ng Montenegro Shipping Lines Inc. ay mayruong 93 passengers, 34 crew members at 16 rolling cargoes.

Nagsimula ang insidente matapos sumabog ang gulong ng isang rolling cargoes.

Bandang alas-3:00 ng madaling araw lahat ng mga pasahero ay nailikas sa pamamagitan ng lifeboat at kasalukuyang nasa Covered Court ng Barangay Nasunugan.

As of 10AM kanina, iniulat ng Coast Guard District Southern Tagalog na crew ang nananatiling on board upang imonitor ang barko at ang mga rolling cargoes.