-- Advertisements --
Mahigit 8,200 indibidwal na ang naturukan ng COVID-19 vaccine sa San Juan City magmula nang sinimulan doon ang pagbabakuna noong Marso 6.
Ayon kay Mayor Francis Zamora, sa latest tally ng mga nabakunahan ay 4,170 dito ang medical frontliners, 2,443 ang mga may comorbidities at 1,609 naman ang senior citizens.
Sinabi ni Zamora na kada araw aabot sa 600 hanggang 800 na mga residente ng lungsod ang kanilang nababakunahan.
Kumpiyansa siyang maitataas pa ito kapag madagdagan din ang supply nila ng COVID-19 vaccines.
Nabatid na target ng lungsod na mabakunahan ang mahigit 85,000 ng kanilang mga residente o two-thirds ng kanilang populasyon para makamit ang tinatawag na herd immunity.