-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN -Naaresto ang isang 31 anyos na lalaki sa Brgy. Umanday ng bayan ng Bugallon dito sa lalawigan ng Pangasinan matapos mahulian sa kaniyang tinutuluyan ng 123.15 gramo ng hinhinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P837,420.

Ayon kay PMAJ. Ramsey Ganaban, Officer in Charge sa Bugallon PS, naaresto ang naturang suspek nang magsagawa ng malawakang Intel Driven Operation ang mga otoridad sa naturang lugar.

Sa pagsasalarawan niya, sa kanilang inilabas na search warrrant ay hindi nila inaakalang pinupuntahan ang nasabing lugar ng mga nagbebenta ng mga illegal na droga.

Aniya, naklagay lamang ang kanilang mga nakumpiskang mga hinihinalang shabu sa isang parte ng tahanan na malapit sa telebisyon at ilang kagamitan na ginagamit bilang panakip upang magmukha lamang itong tawas.

Nang suriin sa crime lab at doon na nakumprimang ito ay illegal na droga.

Kabilang pa sa nakumpiska sa suspek ay ang 3 heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 1 crystaline substance o hinihinalang shabu, 1 piraso ng plastic bag na naglalaman ng 1 crystaline substance, at 1 piraso naman ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng residue ng 1 crystaline substance.

Kasama din sa nakumpiska ang isang piraso na 40mm na light ammunition, 2 piraso MTM 16 rifle magazine, at 1 piraso na maliit na metal container.