-- Advertisements --

Naitala ngayong araw ng Department of Health (DoH) ang 848 na bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-190.

Ang bagong single-day tally COVID-19 infections ay ang pinakamataas mula noong buwan ng Marso.

Dahil dito, pumalo na ang nationwide COVID-19 tally sa 3,700,876.

Sa pinakahuling data naman ng Health department, ang active cases ay tumaas din sa 6,761 mula sa dating 6,425 kahapon.

Ang bilang ng mga gumaling ay pumalo na sa 3,633,096 habang ang death toll ay umakyat pa sa 60,518.

Ang rehiyon na mayroong pinakamaraming COVID-19 infections sa nakaraang dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na nasa 3,701 na sinundan ng Calabarzon na may 1,302 at Central Luzon na mayroong 650.