-- Advertisements --

Aabot sa 728 barangay checkpoints ang nakalatag sa Metro Manila matapos na ilagay ulit ang National Capital Region kasama ang apat pang mga karatig na probinsya sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ni DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na dapat mag-coordinate ang mga local government units sa mga police stations bago pa man maglatag ng kanilang sariling checkpoints.

Ayon kay Malaya, hindi dapat maglagay ng checkpoints ang mga barangay officials nang walang pahintulot dahil maaring magsalungat lamang ito sa standards naman ng national government katulad nang nangyari noong nakaraang taon.

Nabatid na ang Philippine National Police ay naglatag ng 1,106 checkpoints sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal o NCR Plus sa ilalim ng isang-linggong ECQ.