Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na umabot sa 70, 603 ang mga indibidwal na naitala na lumabag sa health protocol sa NCR Plus Bubble.
Ito’y sa kasagsagan ng muling papapatupad ng Enhanced Community Quarantine at Modified Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay Police Major Gen Alfred Corpuz, Director ng PNP Directorate for Operations, sa naturang datos 54,195 ang sinita, 14, 185 ang pinagmulta at 2, 222 ang inaresto.
Pinakarami sa paglabag ay hindi pagsusuot ng face shield, na sinundan naman ng hindi pagsusuot ng face mask.
Samantala, iniulat din ni Corpuz na 34, 220 ang mga indibidwal na “denied entry” o hindi nakatawid sa loob ng bubble.
24, 500 sa kanila ay inakalang sila ay Authorized Person Outside of Residence.
Pagdating naman sa curfew, 44, 250 ang mga naitalang lumabag sa NCR plus.
27, 763 sa kanila ang nasita, 14,904 ang napagmulta at 1,583 ang pinag-community service.
Sinabi ni Corpuz wala naman pagbabago ngayong umiiral ang MECQ Flex lalo na sa NCR.
Ang curfew hours ay mag-uumpisa ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.