Mahigit 70,000 persons deprived of liberty (PDLs) sa buong bansa ang bakunado na kontra COVID-19, ayon sa Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP).
Sinabi ni BJMP spokesperson Xavier Solda na kabuuang 74,730 na ang bakunado mula sa 123,848 PDLs na nakapiit sa 472 kulungan.
May mandato aniya sa ngayon ang mga regional directors nila na huwag magpahinga bagkus ay gawing tuloy-tuloy pa rin ang coordination sa mga local government units at ng kanilang health services para sa COVID-19 vaccination ng mga PDLs.
Sa ngayon, sinabi ni Solda na aabot na sa kabuuang 4,595 ang mga PDLs na nagpositibo sa COVID-19, kung saan 4,404 dito ay pawang gumaling na sa naturang sakit.
Samantala, 72 PDLs naman ang binabantayan ngayon sa COVID-19 Center facility ng BJMP.