-- Advertisements --

Pumalo na sa 566,177 ang nahuli ng PNP na lumabag sa mga umiiral na minimum public health standards mula Marso hanggang Mayo 7 ng taong ito.

Nasa 219,778 sa mga ito ang nahuli dahil sa hindi pagsusuot ng face shield; kung saan 185,010 ang binigyan ng warning, nasa 28,559 ang pinagmulta, at 6,209 ang sinampahan ng kaso.

Umaabit naman sa 226,904 naman ang hinuli dahil sa hindi pagsusuot ng facemask; kung saan 127,060 ang bingyan ng warning, 81,354 ang pinagmulta, at 18,490 ang kinasuhan sa korte.

Meron na ring 3,496 ang nahuling nagsasagawa ng mass gathering; kung saan 2,496 ang bibigyan ng warning, 720 ang pinagmulta, at 280 ang kinasuhan sa korte.

Habang 115,999 ang mga nahuli sa paglabag sa physical distancing, kung saan 92,177 ang binigyan ng warning, 18,408 ang pinagmulta, at 5414 ang kinasuhan.

Tiniyak naman ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, na wala sa mga inaresto dahil sa paglabag sa minimum health standards ang makukulong, at pauuwin din agad matapos imbestigahan at sampahan ng kaso kung kinakailangan.