-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Nasabat ng mga tauhan ng Provincial Veterinary Office ang mahigit 500 kahon ng mga pork products sa Tagloan Port sa Misamis Oriental.
Sinabi ni Provincial Veterinary Office head Dr. Benjamin Resma, balak sanang dalhin ang nagkakahalaga ng mahigit P70,000 na produkto ng baboy sa isang cold storage sa Barangay Cugman dito sa lungsod.
Pero kaagad namang sinunog ang naturang mga produkto.
Ayon kay Resma, wala pang balak si Misamis Oriental Gov. “Bambi” Emano na tanggalin ang ban o pagbawal sa pagpasok ng mga produkto na may nakahalong karne ng baboy sa lalawigan.
Ito’y hanggat hindi pa idinideklara ng Department of Agriculture-National na African swine fever “ASF-free” na ang buong Pilipinas.